Ang Mayong Bulkan ay isa sa mga aktibong Bulkan sa Pilipinas. Ito rin ay kilala sa perpektong hugis nito. Maraming mga turista ang pumupunta sa Albay, upang masilayan ang magandang hubog nito. Maraming pasyalan na nakakaakit na maaring puntahan. Maraming mga residente ang nakatira sa Albay. Ngunit, ang mga residente sa Albay, ay nag-aalala at natatakot sapagkat ang bulkang mayong kanilang ipinagmamalaki ay nag-aalburuto. Nagsimula ng magbuga ng lava ang bulkan. Kaya ang mga residenteng nakatira malapit sa Bulkan ay lumikas na. Masakit man sa kanilang kalooban na iwanan ang kanilang tahanan, ay mas inisip pa rin nila ang kaligtasan ng kanilang mahal sa buhay. Sa patulo na alburuto ng bulkan ay nananalangin pa rin sila na sana ay matigil na ang delubyo sa kanilang Probinsiya,.
Comments
Post a Comment